Tuesday, February 21, 2012

Hellllloooooo!

Ok fine. E di sige na, ako na ang nawala nang 4 months. Hihihi. Iba kasi pag nandito ako sa Pinas, full time nanay at asawa. Sa celfone na nga lang ako nagchecheck ng mails ko or nagchecheck ng facebook or chwirrer.

Sa mga nagdaang buwan na hindi nyo ko namiss, nandito lang ako sa bahay namin, nag aalaga ng baby ko at ng hubby ko. Sa totoo lang gusto ko na magkatrabaho, todo pamigay ako ng mga application ko at resumes sa mga hospital dito pero ewanko ba, ayaw yata nila sa profile ko. Hahaha. Facebook ba? Anyway, hanggang ngayon wala ako work, palamunin lang sa bahay. Hahaha. Joke. Actually, may good news ako, kaya hindi na din ako makapagtrabaho dahil masusundan na ang aming baby girl. 3 months mahigit na din po ako preggy. 4 years gap sila ng panganay namin. I am so happy. Sana boy naman para 1 girl, 1 boy. Diba?

Dahil nga sa nandito lang ako sa bahay, naiinip din ako. Hindi din kasi ako sanay na walang trabaho, yung tipong araw-araw nalang, ang routine ko yung gising sa umaga, handa ng food ni hubby na baon, wait magising ang anak ko tapos breakfast, watch tv with her, lunch, bath time ni baby, put her to sleep, bath time ko, wait dumating si hubby from work, playtime with baby, tapos dinner, cleaning time ni baby tapos bed time na, kinabukasan, ganon din. Masaya at masarap naman yun kasi sobrang namiss ko sila nun nag abroad ako, pero alam mo yung sense of fulfillment na mas nakakatulong ka lalo kung may trabaho ka? Ayoko din kasi na si hubby lang ang nagwowork, lalo ngayon na madadagdagan na kami ng isa pang miyembro, mas kailangan namin kumayod. Kung may tatanggap lang sa akin sa trabaho kahit buntis ako, why not. Kaso palagay ko wala.

Wahhh. Ang hirap naman. Dagdag pa sa stress ko ang init, araw araw napakasakit ng ulo ko. Kaya konting oras lang din kung humarap ako sa laptop Kahit nga sa tv sumasakit ulo ko. Nakakainis lang. Hay.

Anyway..

Bakit nga ba ako nagpost? E kasi namiss ko lang dumaldal sa blog. Tahimik ako talaga, pero mejo madaldal sa blog. Ahihihihi.

photo credit

Monday, October 24, 2011

Balik Pinas

Iba talaga kapag nandito na sa sarili mong bayan. Kahit 2 years din akong hindi tumira dito sa Pinas, nakakamiss pa din. Namimiss ko din ang banyagang lupang tiniran ko sa loob ng dalawang taong pagtatrabaho doon, naging malapit din naman ito sa puso ko at kinupkop din ako nito kaya kahit 2 taon lang ako tumira doon, nakakamiss pa din. Nasanay na din ako sa buhay doon.

Pero ngayon, nandito na ako ulit sa Pinas. Mainit. Hehe. Ang lagkit kapag pinawisan. Hahahahaha. Ganon pa din. Traffic. Puro motor. Maraming vendors sa labas. Palengke. Maingay. Jeep. Tricycle. Day-old chick, fishball sa bike ni kuya, chicharon, chicharong bulaklak, hotdog on stick, gulaman, ice cream ni manong, pork, atbp. Ito ang ilan sa mga namiss ko nung wala ako dito sa Pinas.

Nung umuwi ako, mixed emotions ang naramdaman ko kasi iiwan ko na din kahit papaano ang mga kasama ko na naging pamilya ko na din sa loob ng dalawang taon. Naalala ko nung last duty ko sa NICU, pagpasok ko pa lang, hindi ko na napigil yung iyak ko. Sabi ko na nga ba, dapat hindi ako nag make up nun kasi masisira. Hehe.


Naalala ko nung nagpa Masalama (despedida) sila sa akin, hindi ko naman talaga inexpect pa at sa totoo lang ala naman din ako balak magpaparty kasi bukod sa ala na ako pera panghanda, e birthday ko nga hindi ako naghahanda, yung pag alis ko pa. hehe.


Anyway, pagdating ko naman sa NAIA, sinalubong ako ng aking hubby at baby dala ang mga ito:


Ayiii.. natuwa naman ako lalo.

Then after a few days pagdating ko, nagbirthday ang aking baby.


(Sana po ay najustify ang aking hiatus..hahahaha..joke)

Minsan kapag naiisip ko yung pinagdanan ko dun, nagiging proud ako sa sarii ko kasi nalagpasan ko lahat yun. May na-achieve din ako sa professional growth ko, nadagdagan ang kaalaman ko, at higit sa lahat, nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Sa pagkakaroon ko ng ganoong experience at dagdag kaalaman, naging mas confident ako, at yung sinasabi nila na may edge na ako pagdating sa trabaho.

Ngayon isa lang ang problema ko: San ba ako magtatrabaho? hahahahaha.

Sunday, September 25, 2011

ssssshhhhh...

Minsan wala naman masama kung maglabas ang isang tao ng inis, magrant, sumigaw, or magmura. Pero minsan ba naisip nila na baka kung ano yung kinaiinisan nila dun sa taong yun e ginagawa din nila? Naiinis sila sa ginawa ng taong yun pero in fact, ganun din naman sila. Kung makapagspeech about sa asar nila, inaabot ng isang oras, yun pala, gawain din naman nila. Nakakainis lang kasi makinig sa mga ganon, bilang isang listener, kasi kahit gusto mong icomfort at kampihan sya, wala kang magawa kundi mag poker face na lang. Ayaw mo man mag isip, pero habang nag eendless rant sya e ayun yung utak mo, kinakausap na ang sarili, kulang nalang mag roll ka ng eyes. @_@

Sabi nga, "Don't judge people negatively when you are acting just like them."

Hay, mas aware naman sila sa sarili nila, sana alam nila yung sinasabi nila. Ang ironic lang, pati sarili nila jinujudge nila unknowingly. tss.. Kakainis.



Saturday, September 17, 2011

Wrongsend

Kapag nagtetext tayo, merong send button, resend button, at delete. Pero bakit ba hindi nila naimbento ang unsend button? Alam mo yung tipong bigla mo napindot yung send button tapos mali pala yung recipient, tapos kung anu ano nang keys ang pinindot mo, pero kahit patayin mo man ang celfon mo o ihagis sa pader, magsesend pa din sya sa maling tao. Demmet.

Nangyari na ito sa akin dati, palibhasa sanay ako sa isang tao lang na yun na lagi ko tinetext. Kulang na lang idisassemble ko yung celfon ko wag lang magsend. Pero ok lang naman, hindi naman big deal yung text ko, i mean, wala namang "something", yun lang, nakakahiya lang kasi..ayiii.

Pero panu kung ang wrongsend e nakakasakit? Alam mo yung kapag ikaw nakabasa, nakakaiyak sa part mo, yung of all people, ikaw ang hinding hinding hinding hinding hindi to the 100th power dapat makabasa. 

Ouchness lang kasi, panu kung kakagising mo lang, aga aga, pagmulat ng mata mo, ganun kaagad. Imbis na naniningkit ang mata mo sa sobrang tulog e naningkit pala dahil sa galit at iyak. *mahabang buntung hininga*..

Kung hindi ko lang mahal yung celfon ko, baka naibato ko na sa pader nung nabasa ko yon. 

Friday, September 9, 2011

Nostalgia

Share ko lang ang music video na ito. Ito ang isa sa mga pinakapaborito kong kanta. Tagos na tagos kasi sa akin ang lyrics.

Hiling - Silent Sanctuary

Halos laging on repeat ang kantang ito sa Ipod ko, siguro yung ipod ko sawa na, pero ako hindi pa din.. hehehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...